Hi!
Last sunday nakareceive ako ng letter from a workmate. 3 pages back to back. Ang sabi nung nagbigay ‘may package ka pinapabigay, private daw’ Naweirduhan lang ako kasi bakit isusulat pa pwede naman sabihin or ichat. Hindi ko na sana babasahin pero out of curiosity, binasa ko ng pahapyaw. Ang laman nung sulat is how he admired me na sana kami na lang daw. Tho alam nyang may bf ako. ‘Your hair, your laugh’ mga ganyan ung pinagsusulat nya. Yung mga galawan ng mga tahimik pero stalker. Hindi ko na matandaan ung iba pero ang naramdaman ko after reading it was fear. Nakakatakot. Kasi hindi ko naman nakakausap or nakakasalamuha ung taong nagbigay. Plus matanda and may asawa sya. Kanina lang hinihingi daw nya number ko sa karoom ko. Tapos nagchat sya sakin about ung letter. Parang nag eexpect pa sya na magrereact ako sa binigay nya.
Valid po ba ung nararamdaman ko na to? Natatakot na kasi akong pumasok at makita sya. Kasi sabi ng TL ko mag email na daw ako para malaman ano advice ng HR.
Photo below yung chat nya.
By - UnfairAdeptness7329